190

Mar 29, 2020 @ 23:57
By

LionAir operator ng nagliyab na eroplano sa NAIA, Calamba

Kinumpirma ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General Don Mendoza, na ang LionAir ng operator ng nagliyab na eroplano sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo ng gabi at ang nag-crash na medical evacution (medevac) plane sa Calamba, Laguna noong Setyembre 2019.

Setyembre 1, 2019 nang masawi ang siyam katao sa pag-crash ng King Air 350 light aircraft medevac plane kabilang ang isang pasyente, dakong alas-3:30 ng hapon sa Barangay Pansol, Calamba, Laguna.

Marso 29, 2020 patay ang walong katao, na kinabibilangan ng 6 na Pinoy crew at 2 pasahero na Canadian at American national, nang magliyab umano ang WW24 aircraft RPC 5880 habang nagte-take off dakong alas-8:00 ng gabi sa runway 24 ng NAIA.

Pinag-aaralan na umano ng CAAP ang pagbabawal sa paglipad ng mga eroplano ng LionAir matapos ang dalawang insidente. Magsasagawa na rin ng imbestigasyon hinggil dito.

Wala pang nilalabas na pahayag ang LionAir.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?