82

By

Limpak na meat product, nasabat sa Isabela

Nasamsam ng mga miyembro ng African Swine Fever-Task Force (ASF-TF) sa bayan ng Iligan, Isabela ang 75 na karton ng mga frozen meat product mula sa Quezon City sa isang checkpoint sa boundary ng Iligan at Gamu noong Martes.

Ayon kay Iligan City agriculturist Moises Alamo, sa kabila ng umiiral na total ban ng mga frozen meat product at karne ng baboy, nasabat ang may 7,000 kilo ng mga longanisa, siomai at iba pang produktong baboy na ibinaba ng tatlong magkakasunod na biyahe ng Dalin Bus Co. na papunta ng Tuguegarao City.

Ayon kay Alamo, tinatayang nasa 80 hanggang 100 kilo ang laman na frozen meat product bawat kahon.

Sinabi ni Alamo, naghinala sila na sa bus ipinapadala ang mga frozen pork by-products matapos na wala silang makitang mga katulad na produkto sa mga refigerated van na kanilang sinusuri.

Napag-alaman, sa kanilang pagkonsulta sa National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2, ipinag-utos na kailangang maibaon sa lupa ang mga produkto sa loob ng 24 oras.

Aalamin din ng ASF-TF kung ano ang paglabag ng bus company na nagpasok ng mga frozen meat product sa Isabela.

Kamakailan, naglabas ng executive order si Isabela Gob. Rodito Albano na nagbabawal sa pagpasok ng mga baboy at pork products mula sa ibang lalawigan para maiwasan na makaspok sa Isabela ang ASF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?