32

By

Lillard atras sa All-Star game, nag-suggest ng kapalit

Hindi makakasalang si Portland Trail Blazers point guard Damian Lillard sa 2020 NBA All-Star game, ngunit may pangalan nang pumasok sa isip nito na pwedeng ipalit sa kanya.

Nagkaroon ng right groin strain si Lillard kaya hindi nakalaro sa laban ng Portland kontra Memphis Grizzlies sa 111-104 loss.

Ayon kay Blazers head coach Terry Stotts, isasailalim si Lillard sa MRI para malaman ang konkretong diagnosis sa kanyang injury.

Dapat ay maglalaro si Lillard para sa koponan ni LeBron James, ang kanya sanang fifth All-Star appearance at ang kanyang ikatlong sunod.

At nang matanong si Lillard ukol sa pag-alis niya sa lineup, may nabanggit siyang pangalan na pwedeng ipalit sa kanya.

Ito ay walang iba kundi ang Phoenix star na si Devin Booker.

“Hopefully somebody who should’ve been there who didn’t make it. Unfortunately I had to be the fall guy. Hopefully Devin Booker or somebody like that’ll get the spot,” ayon kay Lillard.

Nag-aaverage ito ng 26.4 points at 6.3 assists sa loob ng 25.8 minuto para sa Phoenix, at kung sakali ay ito ang kanyang magiging kauna-unahang All-Star appearance buhat nang sumali ng liga noong 2015.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?