40
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
By

Light TV ieere ang CVA, CBA, ‘Usapang Sports’

Ngayong Nobyembre, makakapanood na rin ng mga sports game sa ‘Light TV: God’s Channel of Blessing’ sa kanilang digital TV.

Eere sa Light TV ang opening ng Community Volleyball Association (CVA) 18-under tournament na gaganapin sa San Andres Sports Complex, Malate sa darating na Linggo.

Mapapanood rin sa sa Light TV, na available rin sa iba’t ibang mga cable provider, ang CBA Open basketball championship.

Pumirma sina CBA/CVA founding president Carlo Maceda at Light TV sales and marketing manager Next Layderos ng contract-signing para sa kanilang partnership nitong Huwebes sa 47th edition ng TOPS ‘Usapang Sports’ na ginanap sa National Press Club sa Intramuros.

“Magandang oportunidad ito hindi lang sa amin sa CBA/CVA, kundi pati na din sa Light TV, na makapagbigay ng magandang programa sa sports sa telebisyon,” pahayag ni Maceda, na sinamahan ng kanyang asawa na si Derlyn.

“Natutuwa kami sa Light TV na maging bahagi ng pagbibigay ng kasiyahan sa mga tagapagtangkilik ng sports, lalo na sa CBA at CVA,” saad naman ni Layderos.

Present rin sa contract-signing si TOPS President Ed Andaya ng People’s Tonight at mga officer ng TOPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?