34

Mar 25, 2020 @ 21:45
By

Ligao City may pa-door-to-door bakuna

Wala mang tiyak na bakunang pangontra sa COVID-19 ay patuloy pa rin sa pagpapamudmod ng bakuna ang Ligao City health official sa kanilang residente.

Ayon sa naunang report, ang kanilang City health nurse na si Emily Alejo at ang city health workers ay nagsasagawa ng door-to-door upang magbigay ng bakuna sa mga bata laban sa polio, measles, mumps, at pneumonia.

Maaari ring magpaturok ng pneumonia shots ang mga may edad na, bilang kanilang proteksyon.

Isinasagawa ang nasabing programa dahil may kaugnayan ito sa sintomas ng COVID-19 partikular na sa hirap sa paghinga.

Dahil dito’y hinihikayat sa nasabing programa ang pagpapabakuna kontra problema sa baga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?