38
shootout
By

Lider ng robbery syndicate, tulak patay sa engkuwentro sa Rizal

Patay ang lider ng notoryus na highway robbery group at big time na tulak ng iligal na droga matapos ang naganap na engkwentro laban sa pulisya sa isinagawang buy bust operation kamakalawa ng gabi sa Taytay, Rizal.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek sa alyas na “Pusa”, umanoy lider ng notoryus na highway robbery group na nag-ooperate sa lalawigan ng Rizal at kilalang tulak din ng iligal na droga habang aabot sa P680,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska dito
Sa ulat ng pulisya, naganap ang engkwentro dakong alas 8:00 ng gabi sa Manila East Compound sa Barangay San Juan ng nabatid na bayan.

Napagalaman na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Drug Enforcement Unit ng Police Regional Office 4A (RDEU-PRO 4A) laban sa suspek at gamit ang P1,000 marked money ay bumili ng shabu sa suspek ang isang police poseur buyer.

Matapos magkapalitan ng pera at iligal na droga ay sumenyas na ang poseur buyer bilang hudyat sa pag-aresto sa suspek subalit imbes na sumuko ay bumunot ito ng kanyang kalibre .38 baril at pinaputukan ang mga kagawad ng pulisya.
Doon na napilitang gumanti ng putok ang pulis dahilan ng agarang pagkapatay sa suspek.

Bukod sa nasabing halaga ng droga ay nakuha din sa suspek ang isang kalibre .38 baril na kanyang ginamit sa panlalaban at ang P1,000 marked money na ginamit ng pulisya sa kanilang operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?