43

By

Lider ng robbery-hold up gang todas sa buy-bust

Patay ang lider ng isang robbery-hold up group na nag-o-operate sa lalawigan ng Camarines Sur matapos manlaban at mabaril ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation nitong Martes ng umaga sa bayan ng Calabanga.

Dead on the spot ang suspek na nakilalang si Francisco Lastima Sta. Ana Jr., alyas Bulaw, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Quinale ng nasabing bayan.

Si Sta. Ana ang lider ng Sta. Ana Robbery Hold-up Group at kilala ring tulak ng iligal na droga.

Ayon kay Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol PNP, dakong alas-9:20 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng kapulisan laban sa suspek sa Barangay San Lucas ng bayang ito.

Napag-alaman na isang police poseur buyer ang kumuha ng iligal na droga sa suspek subalit nakatunog umano ito na pulis ang kanyang katransaksyon dahilan upang bunutin nito ang kanyang kalibre .45 na baril at makipagbarilan sa mga awtoridad.

Gumanti naman ng putok ang pulisya dahilan upang masawi ang suspek matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?