111

Apr 2, 2020 @ 20:48
By

Lider na magbubuklod, hindi mananakot ang kailangan – John Arcilla

Para sa beteranong aktor na si John Arcilla, kailangan ng Pilipinas ngayong panahon ng takot, gutom at epidemya ay isang lider na magbubuklod at hindi magdadagdag ng takot.

“Palagay ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA. Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA,” giit niya sa kanyang Twitter account nitong Abril 2.

Saludo naman sa kanyang pahayag ang ilang netizen.

@iamromeoroj: “Saludo sayo Heneral @JohnArcilla

naway maliwanagan na Ang lahat.”

@Toinks81: “@JohnArcilla Saludo heneral!”

Pero giit ni @GirbaudVuitton, basahin at intindihin ang nilalaman ng mensahe ng Pangulo at huwag gamitin ang posisyon para masira ang gobyerno.

“Basahin nyo muna yung full context ng transcript nung sinabi ni PDU30 pra maliwanagan kayo.. Wag nyo gamitin platform nyo pra masira yung govt at si PDU30.. kausapin nyo co actors napa ka OA d nmn nkaintindi.. Lastly, mas marami pa rin kmi Pro Govt Pro PDU30 at hindi kmi TROLLS.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?