63

Mar 19, 2020 @ 18:53
By

Libreng alcohol sinimulan nang i-deliver ng San Miguel Corp.

Nagsimula nang i-deliver ng San Miguel Corporation (SMC) ang pinangako nilang libreng rubbing alcohol para sa mga frontliner sa Metro Manila sa pamamagitan ng Department of Health, mga ospital, crisis center at local government unit laban sa COVID-19.

Ito’y matapos inanunsyo ng kumpanya kamakailan ang paggamit nila sa kanilang Ginebra San Miguel Inc. facilities para makagawa ng 70% ethyl alcohol dahil sa kakapusan ng alcohol sa merkado.

“With the help of the Food and Drug Administration and our dedicated employees, we were able to produce alcohol which we hope will go a long way in helping our doctors, nurses, and everyone on the frontlines of this fight against the virus,” saad ni SMC president Ramon Ang.

“This alcohol is “ready-to-use, gentle on skin and is as effective as any regular rubbing alcohol. They also come in containers that can be returned and refilled, so that we minimize plastic wastes,” dagdag pa niya.

Maliban sa libreng alcohol, bulto-bulto ring powdered disinfectants ang ipamamahagi sa mga ospital sa National Capitol Region (NCR).

Kabilang sa mabibiyaan ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Global City, East Avenue Medical Center, National Kidney Transplant Institute, Philippine Heart Center, Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital, Lung Center of the Philippines, Las Pinas General Hospital, San Lorenzo Ruiz Women’s Hospital, Valenzuela Medical Hospital, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at Jose Reyes Memorial Hospital.

May libreng alcohol din sa National Center for Mental Health, Research Institute for Tropical Medicine, Rizal Medical Center, San Lorenzo Hospital, Tondo Medical Center, Capitol Medical Center, Ospital ng Muntinlupa, Makati Medical Center, Asian Hospital, UST Hospital at Ospital ng Maynila.

Magbibigay din sila ng alcohol sa 12 checkpoints na binabantayan ng Philippine National Police na nagpapatupad ng enhanced community quarantine.

Para naman makatulong sa komunidad sa gitna ng quarantine period, magde-deliver ang SMC ng mga food donation sa mga local government unit sa Metro Manila.

Nagsimula na rin silang mag-produce ng mayaman sa sustansiyang tinapay na inspired ng nutribun.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?