26

By

Libo-libong kinalawang na mga bala, nahukay sa Pangasinan

Bumulaga sa mga magsasaka at residente sa Mangaldan, Pangasinan ang mga kinalawang nang matataas na uri ng bala at iba pang ammunition sa isang lupain na may tanim na pakwan.

Nadiskubre ang mga bala noong Pebrero 12 ng alas-tres ng hapon na nakakalat sa ilalim ng lupa sa Barangay Maasin.

Aksidente lang umano ang pagkakahukay sa mga bala na posibleng inilibing maraming taon na ang nakalipas.

Sa kabuuan, 4,000 piraso ng 50-caliber ammunition at 3,000 piraso ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang nahukay sa barangay.

Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng Mangaldan Police.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?