50

Oct 15, 2019 @ 20:33
By

Liam pinalitan na si Miley

Naka-move on na si Liam Hemsworth sa hiwalayan nila ng asawang si Miley Cyrus.

Ito’y matapos mapaulat na girlfriend na ng aktor ang 22-year-old model/actress na si Maddison Brown.

Naispatan ang dalawa na magkahawak-kamay sa New York City noong October 10 na kumalat sa social media ang litrato.

Sa litratong nakuha ng TMZ, naka-casual na kasuotan ang dalawa at kapwa nakasuot ng sunglasses habang magka-holding hands patungong subway.

Gaya ng ex-wife ni Hemsworth, 29, na si Miley, isa ring Australian si Maddison.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?