34

By

Liam Hemsworth nagsalita na sa hiwalayan nila ni Miley Cyrus

Binasag na ni Liam Hemsworth ang kanyang pananahimik kaugnay sa high-profile breakup nila ni Miley Cyrus, wala pang isang taon mula nang ikasal sila.

Sa kanyang Instagram, sinabi ng Hunger Games actor, 29, wala siyang ibang hangad sa ngayon kundi ang “health and happiness” ng 26-anyos na si Miley.

“Hi all. Just a quick note to say that Miley and I have recently separated and I wish her nothing but health and happiness going forward,” panimula ni Hemsworth.

Sinabi niya, ang paghihiwalay nila ay isang pribadong bagay at hindi siya magko-comment tungkol dito sa sinumang journalists o media outlets kaya anumang quotes na galing umano sa kanya ay peke.

“This is a private matter and I have not made, nor will I be making, any comments to any journalists or media outlets. Any reported quotes attributed to me are false. Peace and Love,” sabi pa ni Hemsworth.

(IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?