129

Mar 20, 2020 @ 12:23
By

LGU, mga resto owner sanib puwersa sa pagpapakain sa barangay

Hinikayat ni Bagong Henerasyon Party List Rep. Bernadette Herrera ang lahat ng local government unit (LGUs) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF-MEID) na makipagtulungan sa mga restaurant sa paghahanda ng pagkain na bibilihin sa murang halaga at ipapamahagi sa mga barangay na apektado na pinapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at buong Luzon.

“Marami sa mga restaurant ang napilitang magsara pansamantala habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong Luzon,” sabi ni Herrera.

“Maybe it is high time we use the commissary and kitchen of the different restaurants and fast food chains. They currently have food stocks that might just go stale since no customers come to them.

“Why don’t LGUs and IATF partner with restaurants in their respective cities and buy their food at cost, which they can distribute to the poorest communities,” dagdag pa nito.

Ang IATF-EID technical working group, na pinamumunuan ng Department of Social Welfare and Development, ang inatasan na matiyak ang epektibong apgpapatipad ng social amelioration program ng gobyerno.

Sabi pa ni Herrerra, habang nagbibigay ng financial assistance ang Labor Department sa mga apektadong manggagawa, dapat suportahan din aniya ng pamahalaan ang mga restaurant ng nagsara dahil sa COVID-19 crisis na ito.

“Marami sa ating mga kababayan ngayon na ‘no work, no pay’ ang nangangamba kung saan na sila kukuha ng pambili ng pagkain para sa kanilang mga pamilya,” sabi ng mambabatas.

“This way, we are not only ensuring that there’s food for underprivileged Filipino families, we are also extending help to restaurant owners who are now crippled by the coronavirus outbreak,” dagdag nito.

Pinuri din ni Herrera ang mga restaurant na nagpapadala ng mga food fack sa mga health worker at iba pang frontliner na lumalaban sa COVID-19.

Binigyang-diin nito na bagama’t nagbibigay ang mga restaurant, hindi nila maibibigay ito lahat dahil sa sitwasyon kung saan bagsak ang kanilang negosyo.

“By buying their food at cost, we ensure that supply of food is continuous in every barangay, the question of sanitation of food packs will be diminished, and we are helping the private sector at the same time,” ani Herrera.

“Dapat talaga magtulungan na ang gobyerno at pribadong sektor sa mga panahong ito. All the more today, when the threat is so great, the government on all levels and the private sector must act with a united front,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?