38

By

LGBTQ member walang kamalay-malay na binaril

Todas ang isang LGBTQ member matapos itong pagbabarilin sa Tuguegarao City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Tuguegarao City Police Station (TCPS) officer P/Lt. Isabelita Gano ang biktima na si Michael Hidalgo, ng Sunshine Valley Homes, Atulayan sa nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay Gano, may person of interest na sila kung sino ang bumaril biktima ngunit hindi pa nila puwedeng sabihin ang pangalan ng suspek dahil sa ginagawa nilang follow-up investigation hinggil sa pamamaril.

Ayon kay Gano, isang nakikita nilang motibo sa pagpatay sa biktima ay dahil sa utang ng biktima.

Sinabi ni Gano, bago mangyari ang insidente, lumabas umano si Hidalgo sa kanilang bahay nang biglang lumapit ang suspek at pinagbabaril ito sa likod ng biktima.

Agad na tumakas ang suspek pagkatapos ang insidente.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang TCPS laban sa suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?