37
Legendary diver na-in love sa ‘Pinas
By

Legendary diver na-in love sa ‘Pinas

Ilang araw pa lang ang world champion diver na si Greg Louganis sa Pilipinas, tila nahumaling na agad ito sa angking ganda ng tinuring na ‘Pearl of the Orient’.

“It’s been wonderful,” ayon sa 59-anyos na diver. “It’s such as spectacular surrounding, it has an incredible backdrop. It’s my first time here, what better place to be, I’m just in awe.”

First time sa bansa ni Louganis, na kilalang taga-sisid matapos masungkit ang apat na Olympic gold, para sa Red Bull Cliff Diving World Series kung saan siya ang sports director.

Ngunit ito na agad ang isa sa kanyang mga paboritong diving spot, nalaglag ang panga sa ganda ng Miniloc Island ng El Nido, Palawan, na gumagawa ng ingay ngayon matapos aprubahan ang paghahati nito sa tatlong probinsya.

“I have to say Oman and the Philippines are kind of neck and neck. Both are very remote areas that it’s really hard to get to so it has certain challenges but those sometimes are the best because you really feel in nature and you’re embraced by nature and that’s the heart of cliff diving,” ayon pa sa tinuturing na ‘greatest American diver’.

Saad nito, naging paborito niya ang Miniloc Island dahil sa angking hirap ng diving spot na ito na magiging pagsubok sa kahit kaninong diver.

“What’s around the corner, what’s through this little hole to get to the venue and to have that backdrop, the sheer cliffs, the gorgeous water is stunning,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, kung kanyang susubukan ang cliff diving sa kauna-unahang pagkakataon, gagawin niya ito sa ‘Pinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?