177

Apr 9, 2020 @ 18:23
By

Legaspi family nagbalot ng mga relief good para sa mga nangangailangan

Sama-samang nag-repack ng mga relief goods ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kasama ang kambal nilang sina Cassy at Mavy.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Zoren ng litrato ng kanyang pamilya kasama ang nai-repack nilang mga donasyon.

“Doing our part @mina_villarroel @cassy @mavylegaspi thank you for your effort and support para sa mga nangangailangan #toGodbetheGlory Salamat sa DIOS #lockdown2020

Cassy posted pictures of their effort on her own Instagram page as well,” caption ni Zoren.

Nag-post din ng mga litrato si Cassy na nilagyan niya ng caption na: “Smiling through the mask. LABAN TAYO GUYS! Let’s help one another.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?