65

Mar 19, 2020 @ 17:47
By

Legarda: UCT fund gamitin sa COVID-19 lockdown!

Suhestiyon ni Antique Rep. Loren Legarda, ipantulong na lang sa mga mahihirap na pamilya ang P57-bilyon mula sa unconditional cash transfer funds (UCT) ng administrasyong Duterte.

Sa 1-buwang lockdown kasi sa Luzon, suspendido ang pampublikong transportasyon at mga hindi esensyal na negosyo para malimita ang pagkilos ng taumbayan at makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Sinaad ng mambabatas sa Twitter, Marso 19, ang datos ng National Economic and Development Authority na may hindi nagastos na pondo para sa UCT nitong 2018 (P1.7 bilyon), 2019 (P18.7 bilyon), at 2020 (P36.48 bilyon) na pwedeng ipamahagi sa mga mahihirap ngayong lockdown.

Mungkahi niya, ipasa ang isang “Emergency Food Subsidy Act” na magbibigay ng P300 sa kada mahirap na pamilya sa National Capital Region ngayong enhanced community quarantine.

“This is already legislated, appropriated, partly unused, while the poor are in need, so please use it now for those who don’t have income and need food. Calling on DBM (Department of Budget and Management) and DSWD (Department of Social Welfare and Development). Let’s give the cash to the poor within the next few days,” wika ni Legarda.

“The figures in the Emergency Food Subsidy Act can be adjusted based on the need in NCR, mega Manila provinces and other urban centers reeling from the quarantine … If we expand the 50,000 poor families to 100,000 families, provide them 300 pesos per day for 30 days, this will be of great help. A DSWD food pack for a family of five costs P505,” sabi pa niya.

Magtatagal hanggang Abril 13 ang Luzon-wide lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?