220

LeBron vs Giannis sa All-Star; Rose, Doncic naisnab

Ray Mark Patriarca

Sa kauna-unahang pagkakataon, West ang irerepresenta ng four-time NBA MVP na si LeBron James, habang upo sa nabakanteng trono sa East ang Bucks star na si Giannis Antetokounmpo.

Nitong Biyernes ay inanunsyo na ang magiging starter para sa parating na 2019 NBA All-Star Game.

Para sa East, itinalagang captain si Antetokounmpo, makakasama niya sina Kyrie Irving, Kemba Walker, Joel Embiid at Kawhi Leonard.

Leader naman si LeBron para sa West, pinuno ng tatlo pang MVP na sina James Harden, Stephen Curry at Kevin Durant, kasahog pa si Paul George.

Marami naman ang napa-react sa social media lalo’t tila nasayang ang kanilang mga boto matapos hindi mapabilang nina Derrick Rose at Luka Doncic sa lineup.

Ang dalawa ay nasa parehong ikalawang spot sa Western guard at frontcourt, ngunit naagawan ng pwesto nina Harden, Durant at George.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?