87

By

LeBron pang-Slam Dunk contest and dakdak!

Hindi pa nakakasali si four-time NBA MVP LeBron James sa Slam Dunk Contest, ngunit hindi na nito kailangan pang sumalang dito para magpamalas ng malulupit na dakdak.

Sa laban ng Los Angeles Lakers kontra Chicago Bulls, nanakaw ni Kyle Kuzma ang bola at ipinasa ang breakaway shot para kay LeBron.

Mas ginawa pang espesyal ni James ang dakdak, hindi na drinibol ang bola at ibinaon ang reverse dunk sa malayong pasa ni Kuzma.

Sa nasabing laban, wagi ang Lakers 123-107, nagbuslo si James ng 16 points, 10 rebounds at apat na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?