75

By

LeBron, Melo, Paul, present sa pagretiro ni Wade

Sa last NBA game ni Dwyane Wade, hindi nagpahuli ang kanyang solid na tropa para ipakita ang kanilang suporta sa Miami Heat legend.

Dumalo sina Los Angeles Lakers star LeBron James, Houston Rockets guard Chris Paul, at Carmelo Anthony sa kanilang laban kontra Brooklyn Nets, nakipagkamay at kita ang pagkakaibigan ng apat na parehas mula sa 2003 NBA Draft.

At tila gumana ang inspirasyon ng tatlo sa laro ni Wade, tumapos ng triple double, ikalima sa kanyang karera, 25 points, 11 rebounds at 10 assists.

Pahinga na sa laro ang tinagurian ngayong ‘Father Prime’, sa kanyang 16-taon sa liga ay naging three-time NBA champ, 13-time NBA All-Star at 2009 scoring champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?