907
LeBron, Lakers pinahiya ng NBA worst team
By

LeBron, Lakers pinahiya ng NBA worst team

Tila walang mahanap na gamot maging ang four-time NBA MVP na si LeBron James para maiangat ang nanlulumong Los Angeles Lakers.

Sa kanilang laban kontra sa pinakasadlak na koponan sa NBA ngayon na Phoenix Suns, naisahan pa rin ang LA-based squad, bigo sa 118-109 sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona.

Una pa lang ay tila wala na sa wisyo ang Lakers, pinayagang makaabante ng double-digit ang Suns na maganda ang tikada sa court sa 13 of 19 shooting sa first quarter.

Nakahabol ang Lakers sa halftime, 66-59, ngunit muling umalagwa ang Phoenix na sumirit muli ang kalamangan sa double digit, 95-78 sa third canto dahilan para hindi na muling makabangon ang koponan ni James.

Pinuno ni LeBron James ang stat sheet, kumamada ng 27 puntos, 16 assists at siyam na rebounds ngunit hindi pa rin naging sapat para maitakas ang panalo.

Umariba naman para sa Phoenix si sharpshooter Devin Booker na may 25 points, samantalang ang 2018 top pick na si Deandre Ayton ay sumungkit ng 26 points at 10 rebounds.

Nanganganib na hindi makatungtong ang Lakers sa playoffs, bumagsak ang kartada sa 30-33 para manatili sa ika-10th spot, at kung sakali ay ito ang kauna-unahang pagkakataon sa 14 na taon na hindi makakatungtong sa postseason si LeBron.

Nanatili naman sa ibaba ang Suns na kinuha ang kanilang ika-13 na panalo kontra sa 51 na talo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?