35

May 19, 2020 @ 13:46
By

LeBron: Jordan gusto kong makalaban!

Pumalag si four-time NBA MVP LeBron James sa isang artikulo kung saan sinasabing mas gusto niyang maging kakampi ang tinuturing na basketball ‘GOAT’ na si Michael Jordan kaysa labanan ito.

Sa tweet ng Los Angeles Lakers superstar, bagama’t sinabi niyang nais niyang makalaro si Jordan ay hindi ibig sabihin nitong ayaw na niya itong makaharap sa duwelo.

“No I didn’t say I envisioned MJ as a teammate not an adversary. A question was asked “Do I think I could have been a teammate of his and compliment his game”. I love the greats and would have loved to play with them all during their runs because I a historian of the game but I also would die to compete vs every single one of them too! Don’t ever get it twisted!” paliwanag ni LeBron, na madalas maikumpara kay Jordan para pag-agawan ang titulong ‘greatest of all-time’ sa NBA.

Tinawag din ni James na ‘angel’, ‘inspiration’, at ‘hero’ ang Chicago Bulls legend na si MJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?