115

By

LeBron inalala ang unang engkuwentro kay Kobe

Ang huling feed sa Twitter ni Kobe Bryant noong Sabado, pagbati kay LeBron James.

“Continuing to move the game forward @KingJames. Much respect my brother,” post niya, nilagyan ng #33644.

Sa third quarter ng laro kontra Philadelphia, nilagpasan ni LeBron ang 33,643 ni Kobe sa No. 3 ng NBA all-time scoring list.

Ilang oras matapos pumutok ang balitang namatay si Kobe, kasama ang anak na si Gianna, 13, sa isang helicopter crash sa Calabasas, California nitong Linggo, nakita si James na niyayakap ang mga tao sa labas ng Lakers team plane. Nagpapahid siya ng luha.

Linggo ng umaga, ipinalabas pa ng Sports Center ng ESPN ang video ni LeBron, ikinukuwento ang minsang pagbisita ni Kobe sa youth basketball na sinalihan niya.

“I went to ABCD camp, and he came and talked to all the kids that were there. I happened to be one of the kids that was there and was just listening,” ani James sa video. “I was just trying to soak up everything that I could and I remember one thing that he said. He was, like, ‘If you want to try to be great at it, or want to be one of the greats you have to put the work in. There’s no substitution for work.’”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?