22

By

LeBron dedma sa ‘paglaktaw’ kay Jordan

Dedma lang si LeBron James kahit nilagpasan na niya ang scoring record ni Michael Jordan.

Sina Wilt Chamberlain (12,681), Karl Malone (13,528) at Kareem Abdul-Jabbar (15,837) na lang ang may mas maraming field goals kaysa kay James sa kasaysayan ng NBA.

Sa 129-114 win ng Lakers sa Dallas noong isang araw, nilaktawan ni James sa all-time list ng field goals made ang 12,192 field goals ng Chicago Bulls legend na si Jordan.

Dagdag na footnote na naman ito sa usapan ng ‘greatest of all time’ sa NBA.

“My legacy speaks for itself,” ani James, tumabo ng 35 points, 16 rebounds at 7 assists.

Nakakataba raw ng puso na masama ang pangalan niya sa tabi ng mga alamat ng sport.

“When you’re on a journey and you’re in a marathon, to be able to have feats along the way is pretty special,” dagdag ng The King. “Any time I’m linked with the greats, tonight being MJ himself, that’s special.”

Sa laro ding ‘yun ang unang pagkakataon sa kanyang career sa regular-season game na naglista si James ng 35+ points at 15+ rebounds. Anim na beses niyang nagawa ito sa postseason, ayon sa NBA Stats.

“Hopefully I continue to make the greats proud, live on that legacy and continue to make my family and my fans proud as well,” wika pa ni LeBron.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?