32

LeBron, Cavs tukod sa Hawks

Pagkatapos ng 130-122 win sa Washington, tumukod agad ang Cleveland Cavaliers.

Ang inaalat na Atlanta Hawks pa ang tumalo sa Cavs 117-115 Linggo ng gabi.

Mula nang alpasan ang Dalla­s noong Oct. 18 ay hind­i na nanalo ang Hawks.

Nasa injury list pa ang lima nilang player­s nang dumayo sa Cleveland.

Umiskor ng second career-best 57 points si James laban sa Wizards noong Biyernes, pero hindi nagawang dominahin ang Atlanta.

Pagkatapos ng 26-point, 13-rebound performance kontra Hawks, ibinabad ni James ang mga paa sa ice water, binalutan­ din ng ice ang magkabilang tuhod at kanang siko.

May 38 si Dennis Schroeder sa Atlanta.

Isinugod sa ospital si Kevin Love sa kasagsagan ng third quarter pero ayon sa Cavaliers ay nakalabas din.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?