31

By

LeBron, anak minalas

Double black eye ang inabot ng mga LeBron James nitong Lunes.

Umaga ang pumunta ng Springfield, Massachusetts si LeBron Sr. para panoorin ang laro ng team ng anak na si LeBron Jr., ang Sierra Canyon laban sa Paul VI.

Kinahapunan, bumalik si Sr. sa Boston para giyahan ang Lakers laban sa Celtics.

Talo ang Los Angeles sa Boston 139-107.

“The only bad thing is I took two Ls. The James gang took two Ls today. But there’s always better days,” ani LeBron Sr.

Sa kasagsagan ng high school game, magi-inbound si Bronny para sa Sierra Canyon nang may pumukol sa kanya ng “piece of trash” sa likod.

Ni-retweet ni James ang video, nilagyan ng caption na “Hating has no age limit! #JamesGang is build for it and well equipped.”

“I didn’t see it until I got here, actually. I was on the complete opposite end of the floor,” ani James sa kanyang locker sa TD Garden. “I did see the referee stop the game or stop the inbounds and the cop go (up the stands), but I didn’t know what happened until the video evidence was showed to me when I got here.”

Ineskortan ng security ang fan palabas ng Springfield College gym.

Sa Instagram tinawag ni James na ‘disrespectful’ ang fan.

“Know I got your back and front throughout it all! I’d die for you and your siblings. Never waver no matter what disrespect, hate, envy, jealousy, etc comes your way! Only push forward and continue to be the great kid/young man/person you are! Love you kid!!”

Si Bronny ay 15-anyos lang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?