64
Lebanese, tourist driver huli sa pangmomolestiya
By

Lebanese, tourist driver huli sa pangmomolestiya

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Bohol ang 86-anyos na Lebanese at isang tourist driver dahil sa pang-aabuso umano sa mga menor de edad sa Tagbilaran City.

Kinilala ang dalawa na sina Guiragos Tarakjian at Handel Sarabosing.

Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking In Persons Act of 2012 at Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Samantala, itinanggi ng dalawang nadakip ang mga alegasyon laban sa kanila.

Nag-ugat ang paghuli sa kanila nang magreklamo ang mga magulang ng tatlong kabataang edad 13 at 12 hinggil sa ginawa sa kanilang mga anak ng mga suspek.

Sinabi umano sa kanila ni Sarabosing na naghahanap ng mga bata ang kaibigan niyang si Tarakjian para maging katulong sa bahay pero iba pala ang motibo.

Nang makabalik ng kanilang bahay ay inamin ng mga bata sa kanilang mga magulang kung ano ang ginawa sa kanila sa loob ng kuwarto ng Lebanese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?