620

Leah Navarro sa SEAG opening song: Sana ‘yung akin na lang!

Nagkomento na rin si singer Leah Navarro isa sa mga ginamit na kanta sa opening ceremony ng Southeast Asian (SEA) Games 2019.


Hinarana kasi ni Robert Seña ang audience sa “Kay Ganda ng Pilipinas,” na mula sa “Kay Ganda ng Ating Musika” ni Hajji Alejandro.

Sa Twitter, minungkahi ni Leah na sana, ang kantang “Isang Mundo, Isang Awit” na lang ang tinanghal.

Nilagay pa ng babae ang ilang lyrics ng kanta na tungkol sa pagsabi ng “mahal kita” sa iba’t ibang wika.

“Je t’aime, te amo, I love you
Watashiwa anata-o aishtemasu
Ich liebe dich, iniibig kita
Gua ai di
Paano mang sabihin, ang mundo’y turuan natin
Tanging lunas ang pagibig! 🤣 🤣🤣”

Hayag naman ng ilang netizen, hindi iyon ang opisyal na wika ng mga lumahok sa biennial meet.

Mas nababagay umano ang kantang iyon sakaling i-host ng bansa ang Olympics.

Samantala, nadismaya rin si Davao City Mayor Sara Duterte nang gamitin ang kantang ‘Manila’ ng Hotdog sa pagmartsa ng Philippine delegation sa entablado.

“Why would you play the song Manila? Did Lapu-Lapu die for Manila? Wag po natin gawing excuse ang upbeat danceable song. Kami nagimbento ng budots. Kaloko man oie. We should be inclusive when we want to encourage our countrymen to cheer,” giit ng alkalde sa Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?