29

By

Lava fountain mula Taal Volcano, humina – Phivolcs

Napansin ng mga tauhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang paghina ng lava fountain mula sa Taal Volcano.

Base sa panayam ng dzMM kay Phivolcs science research specialist na si Jerome de Lima, hindi na nila maaninag ang lava fountain na kanilang inoobserbahan mula Lunes ng gabi.

“The lava fountaining we have observed, now we cannot see it based on the observations of our personnel on the field,” ayon kay de Lima.

Ngunit nagbabala ang espesyalista na hindi dapat makumpiyansa ang mga kababayan lalo’t posible pang magbago ang aktibidad ng Taal Volcano sa mga susunod na araw.

“It’s unlike yesterday where it suddenly spewed lava. As of now, this brief silence shouldn’t be considered as a sign Taal Volcano is calming down. We should still be cautious because the Taal Volcano’s activities may change in the coming days,” aniya pa.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Bulkan Taal mula pa noong Linggo na nagdulot ng ashfall na umabot pa sa Metro Manila.

Samantala, noong Lunes ay nagsimula na ang paglabas ng lava ng Taal na tinatayang abot sa 500 metro ang taas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?