1,082

Mar 31, 2020 @ 12:35
By

‘Late night talk show’ ni Duterte, panira ng tulog – Hontiveros

Kinastigo ni Senadora Risa Hontiveros ang tinawang niyang “late-night talk show” ni Pangulong Rodrigo Duterte na inilarawan niyang “prelude to a night of bad sleep.”

Ito’y matapos paghintayin ni Duterte ang publiko ng halos walong oras para pakinggan ang kanyang mensahe sa taumbayan sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ang mensahe ni Duterte ay naka-iskedyul ng alas-4:00 ng hapon subalit naipalabas ito ng halos hatinggabi na.

“The President’s late-night talk show last night was the prelude to a night of bad sleep, to the detriment of the Filipino people’s regular sleeping hours and overall health,” sabi ni Hontiveros sa isang statement.

“After almost 8 hours of delay, the public was presented with neither a sound assessment nor a concrete plan to address the novel coronavirus disease or COVID-19 crisis,” dagdag nito.

Binira din ni Hontiveros si Duterte dahil sa pagkabigo nitong talakayin kung paano nakakatulong ang pinatupad nitong enhance community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Karapatan aniya ng publiko na malaman kung ano na ang progreso sapul nang simulan ang quarantine o tinatawag na ‘virtual lockdown’.

“The quarantine is essential at this time to slow the spread of the novel coronavirus. But it cannot stand alone,” pahayag ni Hontiveros.

“For the lockdown to be effective, it should be backed up by intensified actions to increase the capacity of our health system, conduct mass testing, and protect our health workers at the frontlines. But the President’s address last night was lacking in all those terms. The usual threats and incoherence do not a report make,” saad pa nito.

Dahil nabigyan na ng special power ang pangulo kasunod ng paglagda ng Bayanihan to Heal as One Act, dapat umanong kumilos agad ang presidente.

“What are the steps being taken by the government to enhance our capacity for mass testing? How do we ensure that there are enough personal protective equipment [PPE] in every hospital? How do we get the cash assistance to the most vulnerable as soon as possible? “ tanong nito.

Subalit wala umanong naisagot si Duterte sa mga katanungan at ito aniya’y nakakabahala.

“So far, the President provided no clear answers to these questions. It is alarming,” ayon kay Hontiveros.

“Kailangan na ng taumbayan ang tulong na dapat sa kanila. Time is of the essence. For us to effectively defeat COVID-19, the government must act with a sense of urgency,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?