66

Last Dance: Wade emosyonal sa huling laro sa Heat home court

Si Dwyane Wade na marahil ang manlalarong may pinakamalaking impluwensiya suot ang Miami Heat jersey.

At sa kanyang pagreretiro, hindi nagtipid ang mga Heat fan upang ipadama sa ‘The Flash’ kung gaano siya nila kamahal.

Ngayon ang huling salang ni Wade sa American Airlines Arena, home court ng Miami Heat, at bago magsimula ang laro, isang tribute muna ang binigay para kay Wade.

Binigay kay Wade ang mikropono, napuno naman ng MVP chants ang arena bilang pagpupugay sa taong nagbigay sa kanilang siyudad ng tatlong NBA championship.

Bago magsimula ay pinangakong hindi muna iiyak habang di pa nagsisimula ang laban, ngunit rinig sa boses nito ang pagiging emosyonal.

“I love you guys. I’m thankful for this moment. I’m thankful for this season. This season has been lot about me,” saad ng 37-anyos.

Inisa-isa ang pangalan ng mga kakampi, nagpasalamat kasama ang coaching staff.

“I thank you guys for dancing with me this year. I thank you guys for your patience this year. I thank y’all for your generosity this year. I thank y’all for the support,” aniya pa.

“Heat Nation, thank you. I love you guys.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?