34

By

Lasing nagwala, grinipuhan sa Batangas

Kamatayan ang sinapit ng isang lasing matapos na pagsasaksakin ng isang lalaking naasar sa kanya sa Cuenca, Batangas, Lunes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktimang si Danny Macasaet dahil sa tatlong tama ng balisong sa katawan.

Batay sa report ng Cuenca Police, nangyari ang insidente sa Barangay Ibabao dakong alas-7:00 ng gabi.

Nagwawala at naghahamon umano ng away ang biktima kaya naasar dito ang suspek na si Nolito Donganon na kumuha ng patalim at pinatulan ang biktima.

Naaresto naman ng mga pulis ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?