49
dead-man
By

Lasing na rider sumalpok sa gutter, tigok

Dead on arrival ang isang lalaki matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa gutter ng kalsada sa kahabaan ng General Ordoñez, Barangay Marikina Heights, Marikina City, Miyerkoles ng madaling-araw.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), posibleng lasing ang biktimang si Fernando Anastacio Jr., 24, na naging dahilan ng kanyang maagang pagkasawi.

Naganap ang insidente ala-1:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng General Ordoñez.

Binabagtas ng biktima ang highway sakay ng pulang Suzuki Rider nang bumangga ito sa road gutter at sa lakas ng impact ay tumilapon si Anastacio may dalawang metro ang layo mula sa gutter.

Agad nagresponde ang Rescue 161 at dinala ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?