115

Mar 14, 2020 @ 19:54
By

Las Piñas nagdeklara na ng state of calamity

Nagdeklara na ng state of calamity ang Las Piñas dahil sa patuloy na pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Ginawa ni Mayor Mel Aguilar ang anunsiyo matapos ang pakikipag-meeting sa Metro Manila Council nitong Sabado ng umaga.

Sa Lunes, Marso 16 ay maglalabas aniya ang Task Force Against COVID-19 ng Las Piñas ng mga guideline tungkol sa pagpapatupad nito upang maging gabay ng mga residente at mga magpapatupad nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?