69
IBP: Frontliners, COVID-19 patients huwag pandirihan
Mar 31, 2020 @ 19:31
By

Las Piñas may online dalaw sa mga preso

Simula nang ipatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, ipinagbawal ang dalaw sa mga preso , naisipan ngayon ng Las Pińas City Police Station na maglunsad sila ng online dalaw.

Gamit ang dalawang computer at isang android cellphone, pinapayagan ang mga preso na makausap ang kanilang mga mahal sa bukay o kaanak.

May isang kwarto sa istasyon na gagamitin para sa online dalaw.

Ayon kay Police Major Teoson Rosarito Public Information Office Chief ng Las Pinas City Police na tinitiyak nilang mababantayan at masusunod ang social distancing ng mga inmate.

Aniya ang programang ito ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ng mga inmate dahil sa pansamantalang ipinagbawal ang mga bisita o dalaw.

Papayagan lamang na mag ang online dalaw tuwing alas- 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?