123

Mar 21, 2020 @ 12:18

Las pinas, ang kulit! Mga residente pinapila ulit para sa relief goods

Matapos papilahin ni Las Piñas Mayor Mel Aguilar ang mga residente para sa relief goods sa harap mismo ng city hall, isang barangay captain sa lugar ang nanggaya sa kanya.

Sa post ng netizen na si Charmz Lantacon Hardin kahapon, March 20, alas-1:44 ng hapon, makikita ang picture ng pila ng mga taong lumabas sa kanilang mga tahanan para makakuha ng kakarampot na relief goods sa Barangay Almanza Dos, sa loob ng TS Cruz Subdivision.

“Calling our brgy officials..I don’t think tama po ito? Papunta po sa brgy pra pumila n wla social distancing,” ani Hardin.

“Di po ba pwede na mag reach out s mga bahay bahay for the pass-kasabay ng distribution of goods? Or zone leaders at least? Have a heart naman po…nkaka disappoint po,” dagdag niya.

Ang barangay captain sa Almanza Dos ay si Mira-Jon Alovera na nasa unang termino niya. Humalili siya sa kanyang asawa na nakatatlong termino naman.

Hirit ni Luis Red, “mana lang yan sa mayora.”

Sabi naman ni Tinie Murillo, “Unbelievable. Kaka news lang ng Las Pinas sap ag pila sa city hall…baka ang nasa isip nila social distancing is another term for social gathering.”

Dagdag pa ni Kitzi Mendoza, “hindi pa pala natapos kahapon PR blunder ni Mayora. Hindi naibaba ng maayos sa barangay levels…let’s just move to Pasig.”

Hiningi ng Abante ang panig ni Alovera sa pagmensahe sa kanyang Facebook account ngunit hindi ito sumagot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?