17

By

Laro sa NCAA volleyball kanselado

Doble ingat ngayon ang National Collegiate Athletics Association o NCAA matapos ikansela ang mga laro ng volleyball upang maiwas ang mga manlalaro at fans sa paglaganap ng corona virus 2019 o Covid-19.

“While we are mindful of the importance of holding the games, the health of our students is our top priority,” pahayag ni NCAA chairman Peter Cayco.

Nag-ugat naman ang nasabing suspension mula sa payo ng Department of Health o DOH na iwasan na dumalo sa mga event na may maraming taong dadalo upang maiwasan ang hawaan ng nasabing virus.

“We shall advise you of the new schedule as soon as it becomes available and in compliance with relevant DOH (Department of Health), DepEd (Department of Education), CHED (Commission on Higher Education), and LGU (local government unit) advisories and guidelines,” dagdag pa nito base sa statement na nilabas sa release.

Matatandaang kinansela na rin ng NCAA ang mga volleyball junior game noong Pebrero 6 pa lamang dahil rin sa pagkalat ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?