790
Larawan ng person of interest sa pamamaslang kay Christine, kumalat online
By

Larawan ng person of interest sa pamamaslang kay Christine, kumalat online

Nilinaw ng Police Regional Office sa Central Visayas (PRO-7) na nananatiling “person of interest” si Jonas Bueno sa brutal na pagpaslang kay Christine Lee Silawan.

Sa kasalukuyan umano, ayon kay Chief Superintendent Debold Sinas, PRO-7 director, person of interest pa lang si Bueno at hindi suspek sa Silawan murder case dahil wala silang sapat na ebidensiya laban dito.

Mayroon aniyang standing arrest warrant si Bueno dahil umano sa pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City noong nakaraang Enero na nahahawig sa klase ng pagpatay kay Silawan.

Si Bueno kasama ang dalawang kapatid niyang sina Jovie at Junrey ang siyang itinuturong pumatay sa magsasakang si Trinidad Batucan.

Tulad ng ginawa kay Silawan, binalatan din ang mukha ni Batucan hanggang sa dibdib nito.

Samantala, kumalat naman sa social media ang larawan ni Bueno matapos ilabas ng mga awtoridad pati na artikulo tungkol sa magkakapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?