118

Feb 24, 2020 @ 16:38
By

Lapid ginisa ang ABS-CBN: Bakit galit sa inyo si Duterte?

Inusisa ni Senador Lito Lapid ang mga opisyal ng ABS-CBN Corporation kung bakit ganoon na lamang ang galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa TV network.

Sa pagdining ng Senate public services committee, tinanong ni Lapid ang mga opisyal ng network hinggil sa pagkuha ng panibagong prangkisa.

“Kaya nahihirapan kayo ngayon. Ang dami namang nanghihingi ng prangkisa dito, doon lang tayo sa Recto Room. Pero dito, ang laki-laki ng coverage,” pahayag ni Lapid sa komite, Pebrero 24.

“Kaya tinatanong ko kung galit sa inyo ang Pangulong Duterte, ano iyon? Tanong ko lang kung sino man sa inyo sa ABS-CBN. Galit ba sa inyo ang Presidente kaya kayo nahirapan? Tanong lang,” sabi ni Lapid.

Sabi ng senador, kaya umano niya tinatanong ay para makahingi na rin ang mga ito ng paumanhin o tawag sakaling may mali nga silang nagawa sa Pangulo.

Sagot naman ni ABS-CBN Corp. Chairman Mark Lopez, wala naman silang basehan kung ano ang galit ni Duterte sa kanilang kumpanya.

“So far hindi po naming alam talaga kung ano yung mga galit ng Presidente sa ABS-CBN except po sa kung anong sinasabi niya sa speech niya, yun lang alam naming mga issue ng Presidente sa ABS-CBN,” ayon kay Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?