21

By

Lampas 2 taon na! Liza, Enrique napaaming magdyowa

Sharing is caring!

Kinumpirma na ng sikat na tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil na matagal nang may namamagitan sa kanilang dalawa.

Sa ‘Lie Detector’ segment ng Gandang Gabi Vice, naitanong ng comedian/host na si Vice Ganda kay Enrique kung sila na ba ng magandang Kapamilya actress.

Matamis na ‘oo’ ang isinagot nito dahilan para kiligin ang mga nasa loob ng studio maging si Vice.

Sumunod namang inintriga si Liza at itinanong kung matagal na sila, biglang napatanong si Liza kung gaano katagal raw ba?

At nang masabi ni Vice na ‘more than two years’, kaagad itong kinumpirma ni Liza.

Ang reel/real life couple ay mapapanood sa Alone/Together na showing na sa February 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?