215

By

‘Lambing’ ni Sharon pinagbigyan ni Goma

Binati ni Sharon Cuneta si Ormoc Mayor Richard Gomez sa kaarawan nito noong Abril 7.

Sa kanyang Instagram account ay “naglambing” ng pinya at lechon sa dati niyang ka-love team ang Megastar matapos ang kanyang birthday greetings.

“Happy Birthday to you, too, Mayor! Ehem…napakasarap talaga ng pinya sa Ormoc! Lalo pag may Ormoc Lechon, grabe! LOL. God bless you and your family always, Richard! Have a wonderful day,” sabi ni Shawie sa caption ng larawan ni Goma.

Pinagbigyan naman ng alkalde ang “paglalambing” ng Megastar.

“Thank you for the greeting and thank you for remembering my bday. I will have some pineapples and lechon sent to your house next week when I get back to Manila,” sabi ni Goma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?