192
Lalaro ulit? Shaq magpapasiklab sa Miami
By

Lalaro ulit? Shaq magpapasiklab sa Miami

Muling sasalang sa Miami ang sinasabing pinakadominanteng pwersa na naglaro sa NBA, si Shaquille O’Neal.

Ngunit ito’y hindi para maglaro ng basketball.

Sa bagong kinahuhumalingan ni Shaq, hahataw sa Miami Music Week ang four-time NBA champion para sa kanyang ‘Shaq’s Fun House’ at ipapamalas ang malupit na DJ skills.

“Performing to me is my Game 7,” ayon kay Shaq sa kanyang panayam sa Associated Press. “Game 7, down by one, the city needs you, everybody needs you, the crowd’s going crazy. When you do these music festivals, the kids, they come to do two things — relieve stress and have a great time. Sports and music relieve stress, and I happen to dominate both.”

Simula noong nakaraang taon ay nagsimula na si Shaq sa pagiging DJ, nakasalang pa sa pinakamalaking football event sa mundo na NFL Super Bowl.

Bukod kay Shaq dapat ding abangan ang mga aakaying top DJ sa bawat sulok ng mundo para sa natatanging show.

“When it comes to playing music, you just have to pick the right songs the kids can groove to. Give them some new stuff, give them some old stuff. And when I get up there and I see the bouncing, I just go into the zone. Music and sports are the only things that get me into that zone,” ayon pa sa dating NBA star.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?