46
Lalaking naipit sa SUV sinagip ng powerlifter
By

Lalaking naipit sa SUV sinagip ng powerlifter

Hinangaan ang isang powerlifter dahil sa pagsagip nito sa buhay ng isang lalaki na naipit sa may dalawang toneladang bigat na SUV matapos maaksidente.

Ayon sa Fox News, nasa trabaho umano noong Pebrero 14 ang 29-anyos na si Ryan Belcher nang mangyari ang aksidente.

Namataan umano niya ang isang Jeep Cherokee na bumaligtad kung saan isang lalaki ang nadaganan ng sasakyan.

Apat na lalaki umano ang dinatnan niyang nagtutulong-tulong para matanggal ang nakadagan sa lalaki na sasakyan kaya dito niya naisip na gamitin ang kanyang kakayahan.

“I seen a window that was broken out of the back of the vehicle and I knew if I can swing the vehicle in a certain direction I can free him from that pole. I just stuck my arms in and I don’t know I just grabbed it, lifted it up and started pushing and all I heard was ‘that’s enough we can get him,’” kuwento ni Belcher.

Dinalaw ni Belcher sa ospital ang biktimang kanyang tinulungan at ipinoste niya ito sa kanyang Facebook.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?