42

By

Lalaking nagbantang ikakalat ang sex video ng dating nobya, tiklo

Nasakote sa loob ng apartelle ang isang lalaki matapos itong isuplong ng dating nobya na pinagbantaan niyang ipakakalat ang kanilang sex video kung hindi ito papayag na makipagtalik.

Hinuli ng mga tauhan ng NBI anti-organized transnational crimes division ang suspek na si Alpierre Raviz na makikipagkita sana sa dating girlfriend na si alyas Michelle.

Nagkakilala umano noong Enero sina Raviz at Michelle sa pamamagitan ng social media kung saan 16-anyos noon ang babae.

Nakipaghiwalay umano ang biktima sa suspek dahil nalaman nito na may anak na at kinakasama ang lalaki pero dito na siya sinimulang pagbantaan tungkol sa sex video.

Mahaharap si Raviz sa mga kasong child abuse, grave threat at mga paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 at Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?