64

By

Lalaking may kanser na tinulungan ng mga komyuter, modus?

Napalitan na umano ng pagbabala ang dati’y good vibes na post tungkol sa isang lalaking may leukemia umano na tinulungan ng mga komyuter matapos malamang wala talaga itong sakit.

Matapos ipaskil ni ÅcdhiRr Ailnv Diaz ang pag-aambagan nila ng mga kapwa pasahero ng tren nang tig-P100 para sa lalaking diumano ay may leukemia na hihingi ng tulong sa GMA 7, naglitawan ang mga kwento ng netizen na pinabubulaanan ang istorya ng nasabing “leukemia patient.”

“THIS IS WHACK! Nakasabay to ng partner ko sa MRT before AIDS daw ang sakit niya, and now nakita namin post about this na may Leukemia siya. I hope totoo talaga yang mga sakit niya,” ayon sa comment ni Facebook user Ken Narvato.

“wala pong sakit yan naka sabay ko yan along quezon ave bumaba sa housing sa may sakayan pabalik manila…nung pagbaba namin sa bus may tinawagan agad sya ee…sabi pa nga nya may panglaro na daw ulit ako hehe(tawang alam mona pag may pera) tapos sabi nya kaka sweldo ko lang tapos ung mga naka dikit sa knya na tape na may bulak??wala kang makikitang dugo sa bulak kasi peke,” kwento naman ni Nico Judan Piatos.

“ako kasi ngayon ko lang nakita tong post na to…sya po mismo yan…pati ung mga tinatag nilang picture dito sa post sya po mismo talaga yan…sadyang payat lanh po sya at walang kasakit sakit po yan,” dagdag nito.

“Nakaraan sabi nya may aids sya. Sumasakay sa pnr yan. Nanghihingi din pera, tpos nagmadali umalis nung tatawag na ng tga doh pra matulungan sya,” saad naman ni Kaeden Jace.

Tuloy, nadismaya ang mga tao at sinabing sana hindi matotoo ang pagkakaroon ng kanser ng lalaki, kung wala talaga itong sakit.

“Matulungin naman talaga mga pilipino, kaso based sa mga nababasa kong comment, modus lang ng lalaki na nagpapanggap syang may leukaemia, at me mga naloko na sya.. Kung nanloloko lang sya, sana naman wag sana syang magka leukaemia talaga, kase me kapangyarihan ang dila ng tao,” saad ni Lester Hernandez.

“Anak ng tipaklong! Hahaha naawa pa ako. I know the feeling of pleading for help.. kaya naawa ako. Nung na cs ako sa baby ko and need nya mag stay sa nicu for a month. I badly need bm that time kasi wala akong maproduce. Yet, other people have the guts to use illnesses para lang makakuha ng kelangan nila. Bad,” ayon naman kay Jasmin Lopez-Baisac.

“Kawawa nmn yung totoong my sakit n gustong humingi ng tulong.hnd n pinapniwalaan dhl s mgaa katulad mo (emoji: tatlong umiiyak na mukha) gudluck ssyo boy nkakaawa k pg dting ng iyong karma,” sabi naman ni Christina Callos.

Ngayong alas-4:30 ng Biyernes, Setyembre 13, umani na ang post ni Diaz nang 197K reactions, 10K comments, at 50K na pagbabahagi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?