42

By

Lalaking dumukot, pumatay sa batang kapitbahay arestado

Nalaglag sa mga tauhan ng San Jose Del Monte City, Bulacan Police Station ang lalaking dumukot at pumatay sa 5-anyos na kanyang kapitbahay sa nasabing lungsod nitong Martes ng madaling-araw.

Ayon kay Police Lt. Orlando Catil, hepe ng San Jose Del Monte Police, alas-12:20 ng hatinggabi sa Barangay Sto. Cristo nang madakip nila sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Eman Lambuhon, 24-anyos.

Si Lambuhon ang responsable sa pagpatay sa biktimang si Princess Angela Langumez, 5, kindergarten, na kanyang dinukot sa loob ng bahay habang natutulog alas-tres ng madaling-araw noong Linggo at pinatay sa pamamagitan ng pagpukpok ng bato sa ulo.

Sa panayam sa suspek sa loob ng kulungan, bangag umano siya sa iligal na droga nang kanyang pasukin ang bahay ng biktima at tinangka umano niya itong gahasain subalit nagising ang bata at humingi ng tulong sa kanyang ina na nagising din.

Kaya ang ginawa na lang niya ay tinangay ang biktima upang sa labas na lang sana ituloy ang panggagahasa subalit nakita umano nitong nakasunod ang ina at hinahanap sila kaya pinatay na lang niya ito sa pamamagitan ng pagpukpok ng malaking bato sa ulo bago tumakas.

Makalipas ang ilang oras ay natagpuan na lang ng ina at ilang tumulong sa paghahanap ang bangkay ng bata sa bakanteng lote na puno ng talahib sa Bgy. Kaypian ng nasabing lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?