37
ABANTE-TNT-sunog-apoy
By

Lalaki sinilaban sa gitna ng protesta

Kritikal ang kondisyon ng isang lalaki matapos siyang silaban habang nakikipagtalo sa isang grupo ng kabataan sa nangyayaring mga protesta sa Hong Kong.

Kinompronta ng biktima ang isang grupo ng pro-democracy protesters kung saan siya sinabuyan ng flammable liquid at sinilaban, batay sa kumalat na video sa social media at CNN report.

Isang hindi kilalang lalaki ang sumisigaw sa mga protester ng: “You’re all not Chinese” dahilan kaya siya sinilaban.

Iniimbestigahan na ang insidente na nangyari noong Lunes sa Ma On Shan subway station sa New Territories.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?