136
knife-with-blood
By

Lalaki pinatay sa saksak ang ka-live in bago nagpakamatay

Pinatay sa saksak ng isang lalaki ang kanyang kinakasama bago ito nagtangkang magpakamatay matapos na magtalo ang dalawa habang nag-iinuman Linggo ng hapon sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ni Police Colonel Chito Bersaluna, Provincial Director ng Bulacan, ang nasawing si Shirley Anonuevo, 26.

Nagtamo siya ng mga saksak sa katawan,habang tinangka namang magpakamatay sa pamamagitan din ng pagsaksak sa sarili ang suspek na si Melvin Malazarte, nasa hustong gulang, kinakasama ng nasawi at pawang residente ng Barangay BB1 ng nabatid na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon habang nag-iinuman ang mag-live in partner sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa kapatid na babae ng biktima, nang malasing ang dalawa ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang mga ito hinggil sa hindi pa batid na bagay dahilan upang ilang ulit undayan ng saksak ng lalaki ang babaeng kinakasama.

Matapos ang pananaksak sa kinakasama ay sinubukan namang magpakamatay ng lalaki sa pamamamgitan ng pagsaksak sa kanyang sarili.

Mabilis namang nakaresponde ang rescue team ng nabatid na lungsod subalit idineklara nang dead on the spot ang babaeng biktima habang dinala naman sa San Jose District Hospital ang suspek kung saan siya ginagamot ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?