63

By

Lalaki pinagtataga ng kainuman, patay

Patay ang isang lalaki nang pagtatagain ng kanyang kaibigan habang nag-iinuman, Martes ng gabi sa Rodriguez, Rizal.

Dead on the spot dahil sa mga taga sa ulo at katawan ang biktimang si Gregorio Preza.

Arestado naman ang suspek na si Edwin Oblegar, pawang residente ng Sitio Maislap, Barangay San Isidro, Rodriguez.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-9:15 ng gabi, Nob. 19 nang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman.

Sa gitna ng diskusyon ay kumuha ng jungle bolo ang suspek at pinagtataga ang biktima dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Sinubukan pang tumakas ng suspek subalit nadakip din ito ng pulisya sa isinagawang follow-up operation.

Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa Rodriguez Municipal Police Station at sinampahan na ng kaukulang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?