746

By

Lalaki nangholdap ng bangko, pinamudmod ang pera

Nagmistulang Santa Claus ang isang lalaki na matapos mangholdap ng bangko, nagpaulan siya ng ninakaw na pera habang sumisigaw ng “Merry Christmas” sa mga tao.

Naaresto si David Wayne Oliver, 65, habang nagpapahinga sa kalapit na Starbucks coffee shop matapos niyang holdapin ang Academy Bank sa Colorado Springs, Disyembre 23 ng hapon, ayon sa Daily Mail report.

Isang witness ang nagsabi sa mga pulis na matapos lumabas ng bangko si Oliver ay nagpaulan ito ng pera sabay sigaw ng “Merry Christmas”.

Ibinalik naman sa bangko ng mga bystander ang nakuha nilang pera na pinamudmod ni Oliver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?